My Only Radio
   
 
  April 21, 2011
National News

PALASYO: MAY NAGHUHUDAS SA OIL PRICE

Mismong ang Malacañang ang nagsabing mayroong ‘nandadayang’ mga kumpanya ng langis sa inilalargang oil price increase dahil hindi ito tumutugma sa kwenta ng Department of Energy (DOE).


Dahilan para tawagin naman ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang mga kumpanyang ito na mga Hudas, Barabas at Hestas ng bagong panahon.


Ang tatlong karakter na ito sa Bibliya ay naging kontrabida at nag-iwan ng malaking kontribusyon sa pagdurusa at pagkakapako sa krus ni Hesus. Kung ang mga ito umano ang nagtaksil sa Dakilang Manunubos noong panahong iyon, ang mga abusadong oil companies naman ay nagtataksil sa interes ng taumbayan.

Gayunpaman, tumanggi ang Malacñang sa pamamagitan ni presidential spokesman Edwin Lacierda na tukuyin kung anu-anong oil companies ito at kung ilan sila dahil tinututukan na umano ang mga ito ng DOE.


Aalamin din umano ng Malacañang sa DOE kung anong kaso ang pwedeng ikaso sa mga nasabing oil companies sa oras na mapatunayang may sadya ngang pandaraya sa panig ng mga ito.


“They (oil companies) have to explain in writing to the DOE,” ani Lacierda.


Kaugnay nito, sinulsulan ng Malacañang ang publiko na iboykot ang mga oil companies na sa tingin ng mga ito ay hindi tapat sa paniningil ng kanilang produkto dahil may iilan pa naman umanong gas stations na mas mura ang ginawang price adjustment.


“Market-driven naman ‘yan kung saan mas mura, du’n na lang,” ani Lacierda.


“Sobra naman sila, wala silang patawad pati ba naman ngayong Holy Week hindi nila pinaligtas. Para silang si Hudas, Barabas at Hestas,” ayon kay Zubiri.


Sinabi ng senador na dapat nakiisa na lamang ang mga kumpanya ng langis sa paggunita ng Semana Santa at hindi dapat sinamantala ang panahon ng Kuwaresma para kumita.


“Wala silang puso, wala silang patawad. Pati Holy Week sinamantala nila to earn windfall profit. Maawa naman sila,” sambit pa ni Zubiri sa panayam ng Abante kahapon.


Humirit din si Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., chairman ng Senate committee on public services, na dapat kalusin ng gobyerno ang pagmama­labis na ito ng mga kumpanya ng langis.


“Hindi dapat pumayag ang pamahalaan na paikutin ng mga oil companies ang publiko. The DOE should not allow these oil companies to get away with their abuses, lalo na itong last round of price hikes,” diin ng senador.


Nitong Martes ay muli na namang tumaas ang pres­yo ng produktong petrolyo sa ika-13 pagkakataon si­mula noong Enero 2001. Sa price increase ng Shell, Chevron at Total, ang presyo ng regular gaso­line ay nadagdagan ng 70¢ kada litro, 60¢ kada litro naman sa unleaded gasoline, 25¢ kada litro sa diesel at 40¢ kada litro sa kerosene.


Sa Kamara, iniham­bing naman sa pasang krus ang walang pakundangang oil price hike na puwersahang ipinakakaya ng mga kumpanya ng la­ngis sa publiko.


“Everytime na magtaas sila ng kanilang presyo, pabigat ng pabigat naman ang buhay ng mga tao.

Kailangan ng tapusin ni PNoy ang paghihirap na ito,” ani Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares.

Balitang Abroad

13 OFWs inabandona sa Saudi

Natapos na ang dala­wang taong kontrata pero hindi pa binayaran ng kanilang employer sa Saudi ang natitira nitong obligasyon sa 13 manggagawang Pinoy at basta na lamang inabandona.


Ito ang hinaing ng 13 overseas Filipino workers (OFWs) na idineploy noong Setyembre 2008 at Pebrero 2009 bilang mga tile fixer sa isang stone at marble company sa Riyadh, Saudi Arabia sa Filipino migrant rights group.


Ayon sa grupo ng mga OFWs, natapos nila ang dalawang taong kontrata sa pinasukang kumpanya pero inabandona umano sila ng kanilang employer nang matapos ang kontrata at hindi binayaran ang obligasyon nito sa mga manggagawa kabilang ang dalawang buwang sahod, end of service benefits, one-way airfare ticket at exit clearance.


Sinabi pa ng mga ina­bandonang OFWs na sina Mario Lago, Cesar Mendoza, Bryan Mosquite, Jay Nicolas, Erwin Villasencio, Herwin Sarmiento, Reynaldo Jose Sr., Reynaldo Jose Jr., Teodolo Salvador, Rey Bucsit, Felizardo Cipriano Jr., Anthony De leon, at Crisanto Domingo, Pebrero 2011 pa umano nang iwan sila sa ere ng employer at palayasin sa tirahang ibinigay ng kumpanya. 

Balitang Luzon

3 butanding pinagkaguluhan

Nagmistulang atraksyon sa mga lokal na residente sa bayan ng Calabanga ang tatlong butanding na napadpad sa mababaw na bahagi ng karagatan ng bayan ng San Miguel Bay sa Camarines Sur kahapon.


Ayon sa lokal na mga mangingisda, alas-kuwatro ng madaling-araw nang mapansin nila ang malaking buntot ng butanding na na-trap sa mababaw na bahagi ng karagatan na sakop ng Barangay Balonggay ng nasabing bayan.


Agad naman silang kumontak ng mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mabilis namang rumesponde at naberipika na may sugatan at babae ang isa sa tatlong butanding.


Naniniwala ang BFAR na magandang temperatura at ang masaganang pagkain sa karagatan ang pinaka-dahilan kung bakit napadpad ang mga ito habang palaisipan naman kung bakit sugatan ang isa sa higanteng isda. 

Balitang Mindanao

7 linggong bihag, pinalaya

ZAMBOANGA CITY --- Pinalaya ng mga kidnappers kahapon ang isang lokal na negosyante matapos ng halos pitong linggong pagkakabihag sa Mindanao.


Ayon kay Zamboanga City Rep. Erico Fabian, pinsan ng biktimang si Olivia Barredo, 36, pinalaya umano ang negosyante sa bayan ng Surubay sa Zamboanga Sibugay province.


Dinukot si Barredo ng tatlong armado noong Marso 3 sa harapan ng kanyang pamilya sa Barangay Labuan dito.


“Nagpapahinga siya at pagod na pagod,” ani Fabian.


“Pinakawalan si Olivia sa Surabay, ‘yan ang sabi sa amin at payat siya. Masaya kaming lahat at nakalaya na siya. Andito ang lahat ng mga kamag-anak namin at masaya kaming lahat,” dagdag pa ni Fabian.


Walang ibang detalye na ibinigay si Fabian ukol sa pagpapalaya sa biktima.


Ngunit nakapanayam naman ng Radio Agong sa Zamboanga City ang biktima at sinabi nitong halos walong oras silang nasa pump boat mula pa noong Martes ng gabi at dumating sa Surabay dakong alas-sais ng umaga.
 

 

 

 

 

M.O.R TOP 10
 
1- Just The Way You Are
Bruno Mars

2- God Gave Me You
Bryan White

3- Hanggang Dito Na Lang
Frio

4- Porque
Maldita

5- Waiting Outside The Lines
Greyson Chance

6- Marry You
Bruno Mars

7- Nag-Iisa
Frio

8- Ituloy Mo Lang
Siakol

9- Gawing Langit Ang Mundo
Siakol

10- Marry Me
Train
Advertisement
 
Radio Personalities DJ
 
Rick Drayber
Kikay
Rica Loca
Macky Macho
Parekoy

Production Manager: Rhoneil Natera

Station Manager: Amy Villafuerte
Contact
 
LANDLINE:

(054) 473-9733

TEXTLINE:

MOR NAGA (Your Message)

send to 2366
FACEBOOK
 
http://www.facebook.com/mor935naga
 
Today, there have been 1 visitors (5 hits) on this page!
=> Do you also want a homepage for free? Then click here! <=
For Life!!!!!!!!!!!!